|
AUTO CALESA |
Anim na taong gulang pa lang ako ng lumuwas kami ng Maynila at nanirahan sa Santa Ana. Dito na ako nag-kinder hanggang makatapos ng high school. Ang karaniwang mga sasakyan noon ay kalesa/karetela, jeep, at taxi. At yung singko mo ay makakabili na ng limang items na candy. Upong dyes pa noon ang pamasahe sa jeep(at libre naman yung nakakandong saiyo). At dahil sa maliit lang na sasakyan ay di hirap na abutin ng driver ang lahat ng passengers fare. Ang mga bagaheng heavy/ mabibigat tulad ng aparador, na hindi kakasya sa jeep, ay doon na sa kalesa isinasakay. At because, hindi pa kasi uso noon ang pampers na pang horse..at para masahod at di kumalat sa kalye yung fresh fertilizers, ay may sako/tela ang naka-abang sa hulihan nito. Yon lang po ang alam ko na disadvantage ng mga kabayo sa kalsada; pero masarap po ang journey at para kang nasa duyan.lalo na at pupunta ka ng Luneta. Kung medyo feeling mo naman ay mucho dinero/madatung, ay tumawag lang sa sikat at bigating "Golden Taxi" -ang taxi na puro Mercedes Benz ang gamit nilang sasakyan. Saan ka pa? si Cheding taxi mo lang, mayroon ba nyan dito ngayon? Wala!!
|
KALESA |
Noon ko rin naririnig yung laging pinananakot sa mga batang makukulit, "Pasok na kayo't kukunin kayo ng Bombay!", "Oh tigil na ang iyak, nandiyan na yung Bombay!" Nakikita ko sila noon na slowly, naglalakad sa harap ng bahay-bahay, mag-aalok ng payong na pahuhulugan.(pero Batanggenio ata yung nagpa-uso ng kulambo't kumot) Ano ba at sa hindi kinalaunan ay naka-bisekleta na ang momo, Naks!, hanggang sa magka-motorsiklo at ngayon at naka-shades with helmet. may mga others pa na naka-kotse na. Noon ay ilan-ilan lang sila, na may telang puti na nakapulupot sa ulo/turban, ang may balbas saradong mukha na matatalim na pang-masid, ang damit nilang Pajama,na tila ba kagigising lang; ang sapatos nilang patulis ang dulo na sa pilikula ko lang nakikita ngayon. How they multiplied, sa palengke at bayan-bayan at very successful ang kanilang pahulugan business, di ko alam noon na nag-papautang na pala sila ng perang patubuan..na sinisingil araw-araw . Marami na silang parokyano..magmula sa mga nanay at tatay hanggang sa tindero/tindera para may pampuhunan. Mayroon pang mangungutang upang may ipambayad sa kanilang over due na utang at lalo pa tuloy nalulubog sa ilalim ng IOU. Dapat po ba natin silang kaawaan? Masisisi mo ba sila sa kanilang sinapit??
|
ANG PUJ NGAYON |
Ngayon ay wala kang nakikitang Cheding na taxi, kabayo't kalesa, at wala na rin ang punggok na jeepney na binansagang AutoCalesa. Ito ay napalitan na ng naglalakihang PUJ, mga bus na pang-Tourista, Toyota at iba pang taxi na gawang Japan. Pero, bakit naririto pa rin ang mga Bombay hanggang ngayon? Dahil sa kanilang maunlad na negosyong pahulugan? Na higit na kilala ngayon sa modernong FiveSix? Ang nakaka-addict na five6 na laging kailangang ng nakararaming naghihirap na Pilipino.
Isang tindera ng gulay na lagi kong nakaka-tsismis ang nag-sabi sa akin, "Kuya, pautang naman ng puhunan." Sabi ko na pasensiya nat hindi ako nag-papautang at sabay turo doon sa Indiano. "Ayon doon ka na lang manghiram sa maraming pera!" sabi ko sa kanya. Malungkot ang mukha na nag-wikang ayaw na siyang pautangin, dahil pauuwiin daw sila sa India pag nahuli ng bagong Presidente. Ilang usorero na kaya ang huminto na't natakot na mapauwi? Ilan naman ang gumagawa pa rin nito ng palihim? Ito kayaĆ½ magiging katulad na rin ng Huweteng na nababayaan ??
No comments:
Post a Comment