Thursday, July 28, 2016

angPINAGPALANG KWINTAS NG SAMPAGUITA

May dalawang misa lagi dito sa bayan ng Santo Tomas. Ang first mass ay Ilokano at sa pangalawa naman ay Tagalog. At dahil sa hindi ako nakakaintindi ng Iloko at talagang sayang lang yung homily ng pare, kung hindi papasok sa utak ng isang hindi nakakaintindi na nakikinig sa kanyang mga sinasabi. Nag-aksaya lang ako ng mamahaling oras, di po ba? Kaya, doon ako sa second mass na kung saan ay naiintindihan ang pinag-sasabi. Pero, hindi po tungkol sa akin ang ikukuwento ko. Ito po ay ang istorya nang isang Sampaguita vendor..

Maaga pa lang ay nanduruon na siya sa harapan ng simbahan., dala ang libong kuwintas ng sampaguita na may palawit na Camia at Ilang-ilang. kasama ang ngiti sa mga taong nakakasalubong na galing sa loob ng simbahan, upang mapansin at umaasa na ito silaý bumili at ng maubos at makauwi siya ng maaga pa. Natapos ang second mass at naglabasan na ang mga tao..hanggang sa maging mangilan-ngilan na lamang. Naupo sya sa gilid, sa may silyang bato..marami pa ring natirang sampaguita ang hawak nya. Tumayo at nagsimula ng  maglakad palayo sa simbahan, bakas na rin ang pagod at lungkot,.ngunit di pa rin nawawla ang kunting ngiti sa kanyang mukha. Di ko na rin po sinundan kung saan ang tungo baka mapagkamalan akong manyak, mahataw pa ako ng payong na dala nya.

Nang sumunod na linggo ay maaga akong nakarating na kasalukuyang Ilokano pa ang misa. Kaya nilapitan ko si aling sampaguita vendor. Ano ba at nung palapit na ako ay bigla na lang umambon. Nasabi ko tuloy na baka nalimutan nyang diligan yung bulaklak kaya winisikan na ni Lord. "Marahil nga!" natawa sya sa kanyang sagot. Tapos binigyan nya ako ng ilang piraso. Sinabi ko sa kanya , "wala akong pambayad nito." " Hindi po bigay ko yan saiyo." ang kanyang wika. Bigay daw nya sa akin. Kaya sabi ko na lang sa kanya, "Sige, Ale., salamat, ituring mo na lang na ako ang "buena mano" ng mga tinda mo, at ipapanalangin  ko na maubos agad ang mga ito." Mga ilang sigundo lang ay may marami ng mga naglapitan na nagbilihanng sampaguita, pati na rin yung mga bagong labas galing sa katatapos lang na Ilokano mass. Makalabas lang sila, ay sunod na kami.

Dala ang mga kwintas na bulaklak, ay pumasok na ako sa simbahan, para sa Tagalog mass naman. Nang matapos na ang misa at maglabasang na ang lahat.. hindi ko na siya nakita, ang  dati-ratiý sumasalubong sa mga tao at nag-aalok ng sampaguita. Wala, para siyang nag-vanish sa thin air. So, pagdating ng bahay ay sinabit ko na sa image ni Mama Mary ang mga mahalimuyak at mapuputing sampaguitang may ilang ilang.

Dumating ulit ang Linggo ay wala siya anywhere. Even sa pagkatapos ng second mass, wala. Bakit ba kaya? Pero, nitong following Sunday..ay kita ko na ulit ang libo-libong bulaklak na dala-dala ni Aling Sampaguita. At ng makita niya ako ay biglang  umaliwalas ang kanyang mukha , at inabutan niya muli ako ng ilang kwintas na sampaguita. "Salamat po!" ang sabi ko. Sa susunod ay may pambili na po ako.

Maaga raw syang nakauwi ng bahay...dahil madali raw na naubos iyung tinda niya. Nag day-off raw siya nung last Sunday..para makagawa ng maraming kuwintas na ibebenta ngayon. Naisip ko na totoo pala na kung ikaw ay nagkakaloob ng taos puso, na hindi umaasa ng kapalit.. ay magiging magaan ang pagdaloy ng pagpapala saiyo. Salamat kay Lord na dinulot nyang akoý maging taga-paghatid ng Kanyang pagpapala kay Aling Sampaquita vendor. Si Aling??? . Hiling ko rin ang lahat ng pagpapala sa inyong lahat.

No comments:

Post a Comment