Thursday, July 28, 2016

angPINAGPALANG KWINTAS NG SAMPAGUITA

May dalawang misa lagi dito sa bayan ng Santo Tomas. Ang first mass ay Ilokano at sa pangalawa naman ay Tagalog. At dahil sa hindi ako nakakaintindi ng Iloko at talagang sayang lang yung homily ng pare, kung hindi papasok sa utak ng isang hindi nakakaintindi na nakikinig sa kanyang mga sinasabi. Nag-aksaya lang ako ng mamahaling oras, di po ba? Kaya, doon ako sa second mass na kung saan ay naiintindihan ang pinag-sasabi. Pero, hindi po tungkol sa akin ang ikukuwento ko. Ito po ay ang istorya nang isang Sampaguita vendor..

Maaga pa lang ay nanduruon na siya sa harapan ng simbahan., dala ang libong kuwintas ng sampaguita na may palawit na Camia at Ilang-ilang. kasama ang ngiti sa mga taong nakakasalubong na galing sa loob ng simbahan, upang mapansin at umaasa na ito silaý bumili at ng maubos at makauwi siya ng maaga pa. Natapos ang second mass at naglabasan na ang mga tao..hanggang sa maging mangilan-ngilan na lamang. Naupo sya sa gilid, sa may silyang bato..marami pa ring natirang sampaguita ang hawak nya. Tumayo at nagsimula ng  maglakad palayo sa simbahan, bakas na rin ang pagod at lungkot,.ngunit di pa rin nawawla ang kunting ngiti sa kanyang mukha. Di ko na rin po sinundan kung saan ang tungo baka mapagkamalan akong manyak, mahataw pa ako ng payong na dala nya.

Nang sumunod na linggo ay maaga akong nakarating na kasalukuyang Ilokano pa ang misa. Kaya nilapitan ko si aling sampaguita vendor. Ano ba at nung palapit na ako ay bigla na lang umambon. Nasabi ko tuloy na baka nalimutan nyang diligan yung bulaklak kaya winisikan na ni Lord. "Marahil nga!" natawa sya sa kanyang sagot. Tapos binigyan nya ako ng ilang piraso. Sinabi ko sa kanya , "wala akong pambayad nito." " Hindi po bigay ko yan saiyo." ang kanyang wika. Bigay daw nya sa akin. Kaya sabi ko na lang sa kanya, "Sige, Ale., salamat, ituring mo na lang na ako ang "buena mano" ng mga tinda mo, at ipapanalangin  ko na maubos agad ang mga ito." Mga ilang sigundo lang ay may marami ng mga naglapitan na nagbilihanng sampaguita, pati na rin yung mga bagong labas galing sa katatapos lang na Ilokano mass. Makalabas lang sila, ay sunod na kami.

Dala ang mga kwintas na bulaklak, ay pumasok na ako sa simbahan, para sa Tagalog mass naman. Nang matapos na ang misa at maglabasang na ang lahat.. hindi ko na siya nakita, ang  dati-ratiý sumasalubong sa mga tao at nag-aalok ng sampaguita. Wala, para siyang nag-vanish sa thin air. So, pagdating ng bahay ay sinabit ko na sa image ni Mama Mary ang mga mahalimuyak at mapuputing sampaguitang may ilang ilang.

Dumating ulit ang Linggo ay wala siya anywhere. Even sa pagkatapos ng second mass, wala. Bakit ba kaya? Pero, nitong following Sunday..ay kita ko na ulit ang libo-libong bulaklak na dala-dala ni Aling Sampaguita. At ng makita niya ako ay biglang  umaliwalas ang kanyang mukha , at inabutan niya muli ako ng ilang kwintas na sampaguita. "Salamat po!" ang sabi ko. Sa susunod ay may pambili na po ako.

Maaga raw syang nakauwi ng bahay...dahil madali raw na naubos iyung tinda niya. Nag day-off raw siya nung last Sunday..para makagawa ng maraming kuwintas na ibebenta ngayon. Naisip ko na totoo pala na kung ikaw ay nagkakaloob ng taos puso, na hindi umaasa ng kapalit.. ay magiging magaan ang pagdaloy ng pagpapala saiyo. Salamat kay Lord na dinulot nyang akoý maging taga-paghatid ng Kanyang pagpapala kay Aling Sampaquita vendor. Si Aling??? . Hiling ko rin ang lahat ng pagpapala sa inyong lahat.

Tuesday, July 12, 2016

Duterte Volunteer Mediamen: THEN AND NOW, ANG five-SIX NA UTANG

Duterte Volunteer Mediamen: THEN AND NOW, ANG five-SIX NA UTANG: AUTO CALESA Anim na taong gulang pa lang ako ng lumuwas kami ng Maynila at nanirahan sa Santa Ana. Dito na ako nag-kinder hanggang makat...

THEN AND NOW, ANG five-SIX NA UTANG

AUTO CALESA
Anim na taong gulang pa lang ako ng lumuwas kami ng Maynila at nanirahan sa Santa Ana. Dito na ako nag-kinder hanggang makatapos ng high school. Ang karaniwang mga sasakyan noon ay kalesa/karetela, jeep, at taxi. At yung singko mo ay makakabili na ng limang items na candy. Upong dyes pa noon ang pamasahe sa jeep(at libre naman yung nakakandong saiyo). At dahil sa maliit lang na sasakyan ay di hirap na abutin ng driver ang lahat ng passengers fare. Ang mga bagaheng heavy/ mabibigat tulad ng aparador,  na hindi kakasya sa jeep, ay doon na sa kalesa isinasakay. At because, hindi pa kasi uso noon ang pampers na pang horse..at para masahod at di kumalat sa kalye yung fresh fertilizers, ay may sako/tela ang naka-abang sa hulihan nito. Yon lang po ang alam ko na disadvantage ng mga  kabayo sa kalsada; pero masarap po ang journey at para kang nasa duyan.lalo na at pupunta ka ng Luneta. Kung medyo feeling mo naman ay mucho dinero/madatung, ay tumawag lang sa sikat at bigating "Golden Taxi" -ang taxi na puro Mercedes Benz ang gamit nilang sasakyan. Saan ka pa? si Cheding taxi mo lang, mayroon ba nyan dito ngayon? Wala!!




KALESA
Noon ko rin naririnig yung laging pinananakot sa mga batang makukulit, "Pasok na kayo't kukunin kayo ng Bombay!", "Oh tigil na ang iyak, nandiyan na yung Bombay!" Nakikita ko sila noon na slowly, naglalakad sa harap ng bahay-bahay, mag-aalok ng payong na pahuhulugan.(pero Batanggenio ata yung nagpa-uso ng kulambo't kumot) Ano ba at sa hindi kinalaunan ay naka-bisekleta na ang momo, Naks!, hanggang sa magka-motorsiklo at ngayon at naka-shades with helmet. may mga others pa na naka-kotse na. Noon ay ilan-ilan lang sila, na may telang puti na nakapulupot sa ulo/turban, ang may balbas saradong mukha na matatalim na pang-masid, ang damit nilang Pajama,na tila ba kagigising lang; ang sapatos nilang patulis ang dulo na sa pilikula ko lang nakikita ngayon. How they multiplied, sa palengke at bayan-bayan at very successful ang kanilang pahulugan business, di ko alam noon na nag-papautang na pala sila ng perang patubuan..na sinisingil araw-araw . Marami na silang parokyano..magmula sa mga nanay at tatay hanggang sa tindero/tindera para may pampuhunan. Mayroon pang mangungutang upang may ipambayad sa kanilang over due na utang at lalo pa tuloy nalulubog sa ilalim ng IOU. Dapat po ba natin silang kaawaan? Masisisi mo ba sila sa kanilang sinapit??

ANG PUJ NGAYON
Ngayon ay wala kang nakikitang Cheding na taxi, kabayo't kalesa, at wala na rin ang punggok na jeepney na binansagang AutoCalesa. Ito ay napalitan na ng naglalakihang PUJ, mga bus na pang-Tourista, Toyota at iba pang taxi na gawang Japan. Pero, bakit naririto pa rin ang mga Bombay hanggang ngayon? Dahil sa kanilang maunlad na negosyong pahulugan? Na higit na kilala ngayon sa modernong FiveSix? Ang nakaka-addict na five6 na laging kailangang ng nakararaming naghihirap na Pilipino.

Isang tindera ng gulay na lagi kong nakaka-tsismis ang nag-sabi sa akin, "Kuya, pautang naman ng puhunan." Sabi ko na pasensiya nat hindi ako nag-papautang at sabay turo doon sa Indiano. "Ayon doon ka na lang manghiram sa maraming pera!" sabi ko sa kanya. Malungkot ang mukha na nag-wikang ayaw na siyang pautangin, dahil pauuwiin daw sila sa India pag nahuli ng bagong Presidente. Ilang usorero na kaya ang huminto na't natakot na mapauwi? Ilan naman ang gumagawa pa rin nito ng palihim? Ito kayaý magiging katulad na rin ng Huweteng na nababayaan ??