Kahit na malalakas pa kaming mga super lola at lolo ngayon ay dumarating din ang oras na nagrereklamo ang aming katawan na humihingi ng kaunting needed na pahinga. Masakit na ang likod, balakang, kasu-kasuan at kalamnan, tataas ang presyon ng dugo, at hinihingal na... etsetera etsetera.at kung anu-ano pa. Maiisip mo ngayon at masasabi sa sarili ang "My spirit is willing but the body is weak". Kaya ko iyan dati..bakit ngayon hindi na? So, punta ka now sa Hospital/Ospital for general check-up. Discounted ang bill mo dahil sa Senior ka na nga. Reresitahan ka ngayon ng sangkaterbang gamot.. ""No problem,"" you say dahil may pambili ka pa ng kilo-kilong gamot para gumaling at lumakas ulit si Kuya. Kailangang mag-maintenance ka na ngayon.. na dapat laklakin mo araw-araw. Aba huwag matigas ang ulo..Or else baka lalong lumala at bigla kang ma-stoke tulad ko. So scared ka na po? Bawal ang papalya-palya. Punta ka ngayon sa Drug Store. At dito na naman mag-uumpisa ang parang sirang plakang ceremony ng mga Senior C. Ready ka na?...ilabas ang sc I.D.,ang mga reseta ni Dok, Purchase Booklet, .reading glasses,.pen at pati na rin yung pera siyempre. Then, wala pang five minutes and a few seconds, nandiyan na yung medicine. Bayaran mo na. .Bawas na ng 20 % sa total yung bill mo. Permahan mo na yung resibo para tapos na. Buwan-buwan ay ganito ang magiging eksena..at dagdag pa natin(do not forget) ang bago at freshly written, prescription ni Dok. naiiwan na kasi yun sa drugstore at di na ibinabalik. At dahil sa maliit na pensiyon ka lang kumukuha ng pambili ng iyong maintenance...mababawasan na ang treat sa fastfood joints at ang iyong shopping spree. Lungkot po.
Magandang Balita!! May nasagap akong tsismis mula sa mga kasama nating S.C. na nagbibigay daw ng libreng gamot ang Municipal Clinic. At dahil nga sa kinulang ang allowance na pambili ng lolo, ay dali-dali kong pinuntahan at sinubukan. Magbayad ka ng sampung peso para sa folder na file mo sa kanila. Binigay ko yung reseta na ikinabit doon sa file ko. Then, after a few Q and A ay bibigyan ka na ng thirty days supply mo. .then, pag naubos na yun..balik ka na lang ulit for another. Note lang po na based sa availability ay makukuha nyong lahat ng kailangan mo, kung wala ay wala. Maraming maraming salamat sa Dept.Of Health at sa Santo Tomas Municipality dito po sa La Union.
Sa mga Senior Citizen, na nais makakuha nag libreng medicine para sa inyong maintenance..ask po tayo sa clinic ng bayan ninyo..ipaalam nyo rin sa iba, upang marami pa ang makinabang. Lalo na yung walang radio. So, next time na lang at inaantok na ang Baby.
No comments:
Post a Comment