SSS AGOO BRANCH |
Dahil sa mag-aapat na buwan na at nainip na ako sa pag-aantay sa pagdating nung I.D., Kaya alas siyete pa lang bumyahe na sa Post Office ng Sto Tomas.
Sagot sa tanong ko sa kartero. Wala pa raw silang natatanggap mula SSS. Bakit ang bagal? Buwan ng Pebrero ng mag-submit ako ng application at ang sabi sa akin ay mag-antay lang daw ng tatlong buwan at matatanggap ko na yun, at may dagdag pa na kung sakaling wala pa rin ay sa Post Office na mag-check.
At dahil nga atat na atat na rin akong malaman ang dahilan kung bakit natatagalan ay nagtuloy na lang ako sa opisina ng SSS, for follow-up. Sa third floor ng bagong building sa Agoo, along National H-way ninyo matatangpuan ang bago nilang opisina. Bongga po ito dahil may elevator pa (puro salamin ang loob), malaking ginhawa sa tulad naming mahina na ang tuhod. Pero, ang daming di nakakaalam ng tamang asal sa pagsakay ng elevator. Paalala ko lang po sa mga nakakalimot dahil sa sobrang excitement. Pabayaan po ninyo na makalabas muna yung pasahero sa loob. Huwag mag-unahan sa pag-pasok dito na parang sumasalubong sa sikat na artista.. Inuulit ko po, na para maging smooth ang flow ng traffic, "palabasin nyo muna kami, mahina po ang kalaban!" . Buti na lang malakas yung lamig ng airconditioner at madaling napababa ang init ng ulo ko. Okay, pumasok na ang bida sa may pintuan, na magalang naman siyang binati nung jaguar at nung receptionist...tinanong ang pakay at binigyan ako card na may number. Mabuti rin at kukunti lang ang tao noon..ilang minuto lang at ako na ang kinakausap. Doon ko rin nalaman ang rason/alibi/dahilan nila sa pagka-antala ng mga I.Ds. Yung mga nag-apply nga raw nung December at January ay di pa rin na-rerelease..dahil aayusin at pagagandahin daw nila ang design na mas maganda kaysa dati ..so, kaya humingi raw ng one month/30 day extension yung gumagawa. Natawa na lang ako sa at nasabing, "Uso rin pala dito yan,..akala koý sa COMELEC lang!"
Kaya po kayong mga taga-SSS..sikapin po ninyong makisabay sa pag-babago, na bilisan ang serbisyo upang di kayo matanong ni Pangulong Duterte. Ano po kaya ang maisasagot nyo.??
TO BE CONTINUED
No comments:
Post a Comment