Pagkagising ay nagbukas agad ako ng Facebook. May nag-post ng katanungan na kung dapat bang ibalik natin sa dati niyang pangalan ang ating National Airport? Napansin ko na marami ang naghahayag ng kung ano-ano ang nasa utak nila, at patuloy pa rin itong nadaragdagan ng dami. Habang akoý nagsusulat(nag-tatype po)..ay biglang sumagi tuloy sa isip ko ang isang katanungang lagi kong naririnig noon sa radio, yun bang, "What's in a Name?" Ano ang mayroon sa isang Pangalan/ano yun? Ano nga ba ang mayroon dito? Ang katanungan na ngayon lang natin susubukang sagutin..
Isang mag-asawa na malaon ng atat sa pag-labas ng kanilang baby at nasisiguro kong matagal na ring naghahanap/nag-reresearch sa net kung ano ang kanilang ipapangalan paglabas nito sa earth. Ang iba aý sa Kalendaryo nakamasid..at ang nakakarami ay isinusunod sa tatay o sa lolo; kaya may mga junior, the first, the second, at the third. at kung anu-ano pang combination. Ano ba at minsan ay may iba pa ring sumasablay sa mga paraang ito..nagiging masasakitin nga lang ang bata at inaabot pa nga sa fifty-fifty(50/50) ang ratings. Sa dahilang di raw nagustuhan ng sanggol ang ipinangalan sa kanya. Sabi, ng matatanda ay palitan ang name nung kid. Pero,hindi ito basta na lamang gagawin na hindi nagdaraan sa isang elaborate ceremony. Ewan ko po kung mayroon pa ring gumagawa nito sa lugar ninyo, ngunit marami po akong nakilala na gumaling talaga at nanumbalik ang lakas nung mapalitan ang pangalan. At para po sa kaalaman ng iba sa atin, ang mga kabataang di lang curious. ay usyosero pa, lalo na sa usapan ng matatanda. Dahil di na nila inabutan. Ganito po ang ginagawa ...ibibenta nila yung musmus sa halagang singko sentimos(pretend lang po ito/kunyari lang), ang bibili/magbabayad ay magsisilbing ninong na nung paslit. Then, ito po ang pinaka-exiting..huwag kukurap! ang actual trading/exchange,. at transaction ng goods(baby) ay sa bintana siya idadaan. Tapos na!, changed na ang name nya na kung dati ay "Bruha" ngayoý tatawagin na syang "Bruhilda"(example lang po). Marami pang variation nito sa ibat-ibang lugar ng Pilipinas. Na sabi;y ginagamitan naman ng egg.. pero sobra na, pasensiya na po at masyado ng mahaba ang kuwento ko. kayo na lang ang mag-hanap sa web..."Puwede po?"
EL PROFESSOR SI? |
How about yung "MIA", nakalimutan mo ata? Hay!, hindi po, I just saved the BEST for last. Ang "MIA" sa Espanyol pag isalin sa English ay "MY/MINE", na sa tagalog ay "AKIN/AKIN ITO". Masasabi ng ating paliparan na kung makapagsasalita lang sya, "MIA ANG TAWAG SA AKIN - AT SA AKIN ANG PANGALANG ITO!" Hala sigi, Alisin na ang kadena at kandadong bumilanggo sa aking tunay na pangalan. Ano pa ba ang hinihintay ninyo. Bakit ayaw pa ninyong kumilos? Nakakakita na ang mga nabubulagan.maliwanag na ang daraanan natin. Ipamalita na sa lahat!
Sa bagong pamahalaan sa pamumuno ng Pangulong Duterte, nais po ng bayang Pilipino ang sanaý maging "MANILA INTERNATIONAL AIRPORT" na ang itawag sa ating Pambansang Paliparan.kasabay sa inyong pag-upo, at upang tuloy-tuloy na maging maluwag ang pagdaloy ng isang maaliwalas at wagas na
pagbabago at may masuwerteng simula. Sana po ay huwag namang malimutan ang hiling naming ito. Nang sa gayon aymasayang maisigaw ng buong bayan ang,"MABUHAY ANG PILIPINAS!" "MABUHAY ANG ATING PANGULO!" "MABUHAY TAYONG LAHAT!".....GO! GO! GO
Tanong po natin sa kinauukulan..KAILAN PO MAGBABALIK SI MIA??
No comments:
Post a Comment