Discount dito, discount doon, kahit saan may discount ka nga ba? Dapat naman po, dahil noong kabataan namiý katulong kami sa pag-papaandar ng pambansang ekonomiya at sa pagbuo ng maunlad na Pilipinas.
Na ngayon ay tinatamasa na ng bagong henerasyon at kabataan. At bilang ganti sa aming mga oldies na naghirap noon ay ang mabawasan man lang kahit kaunti ang aming gagastusin sa mga pangangailangan araw-araw, Salamat din at may libreng serbisyo pa nga sa ilang ahensiya ng pamahalaan.
Pero, ang ilan sa mga tindahan, mga sasakyan ay madamot sa amin, di nakauunawa..lalo na sa may mga kapansanan. Maraming kunwari ay bulag na driver na nilalampasan ang pobreng pasaherong matanda...hindi hihintuan ang may tungkod/saklay. Wala ring nagkukusang bigyan ka ng iyong mauupuan..pababayaan kang nanginginig sa pagkakatayo. Mararanasan din nila ito pag oldie na sila. Sa pagbili ng gamot ay enjoy ka sa 20% na bawas.Pero kailangan kang magpagawa ng reseta sa Doktor buwan-buwan..wish ko na dagdagan pa nila., Sa sinihan ay may kaltas din..na sana gawing libre na lang? Marami sa amin ay malabo na ang mata...mahina na ang pandinig, malambot na ang tuhod.. wala na ring ngipin para malasap ang sarap sa mga fastfood joint, Sa supermarket, grab your trolley and mag-start ka ng mamili ng groceries/goods..may dedicated check out counter pa para sa mga oldies at pwd..masaya ka dahil sa disco
unted ang mga pinamili mo.Iyan ang akala ko. Ask sila ng I.D saka yung purchase booklet ..then you pay without complaint. Nagulat pa ako na makita na isang item lang sa binili ko ang may kaltas/ two pesos lang ang na discount sa five hundred pesos na total goods purchased. Ang daming steps/seremonyas ang ginawa, wala rin palang mapapala. Kaya't sa palengke na lang ulit ako mamili..makakatawad na may libreng tsismis at balita pa.
Marami sa amin ay umaasa sa maliit naming pension at wala na ring iba pang pinagkakakitaan. Mahina na kami at hindi naman kami magtatagal pa. So, why can't they make it all discounted just for us? Pag nangyari yan siguradong magiging tunay na masaya kaming mga seniors, Akin pong dasal na sana ay makarating sa kinauukulan ang aming karaingan. Amen.
No comments:
Post a Comment