Thursday, July 28, 2016

angPINAGPALANG KWINTAS NG SAMPAGUITA

May dalawang misa lagi dito sa bayan ng Santo Tomas. Ang first mass ay Ilokano at sa pangalawa naman ay Tagalog. At dahil sa hindi ako nakakaintindi ng Iloko at talagang sayang lang yung homily ng pare, kung hindi papasok sa utak ng isang hindi nakakaintindi na nakikinig sa kanyang mga sinasabi. Nag-aksaya lang ako ng mamahaling oras, di po ba? Kaya, doon ako sa second mass na kung saan ay naiintindihan ang pinag-sasabi. Pero, hindi po tungkol sa akin ang ikukuwento ko. Ito po ay ang istorya nang isang Sampaguita vendor..

Maaga pa lang ay nanduruon na siya sa harapan ng simbahan., dala ang libong kuwintas ng sampaguita na may palawit na Camia at Ilang-ilang. kasama ang ngiti sa mga taong nakakasalubong na galing sa loob ng simbahan, upang mapansin at umaasa na ito silaý bumili at ng maubos at makauwi siya ng maaga pa. Natapos ang second mass at naglabasan na ang mga tao..hanggang sa maging mangilan-ngilan na lamang. Naupo sya sa gilid, sa may silyang bato..marami pa ring natirang sampaguita ang hawak nya. Tumayo at nagsimula ng  maglakad palayo sa simbahan, bakas na rin ang pagod at lungkot,.ngunit di pa rin nawawla ang kunting ngiti sa kanyang mukha. Di ko na rin po sinundan kung saan ang tungo baka mapagkamalan akong manyak, mahataw pa ako ng payong na dala nya.

Nang sumunod na linggo ay maaga akong nakarating na kasalukuyang Ilokano pa ang misa. Kaya nilapitan ko si aling sampaguita vendor. Ano ba at nung palapit na ako ay bigla na lang umambon. Nasabi ko tuloy na baka nalimutan nyang diligan yung bulaklak kaya winisikan na ni Lord. "Marahil nga!" natawa sya sa kanyang sagot. Tapos binigyan nya ako ng ilang piraso. Sinabi ko sa kanya , "wala akong pambayad nito." " Hindi po bigay ko yan saiyo." ang kanyang wika. Bigay daw nya sa akin. Kaya sabi ko na lang sa kanya, "Sige, Ale., salamat, ituring mo na lang na ako ang "buena mano" ng mga tinda mo, at ipapanalangin  ko na maubos agad ang mga ito." Mga ilang sigundo lang ay may marami ng mga naglapitan na nagbilihanng sampaguita, pati na rin yung mga bagong labas galing sa katatapos lang na Ilokano mass. Makalabas lang sila, ay sunod na kami.

Dala ang mga kwintas na bulaklak, ay pumasok na ako sa simbahan, para sa Tagalog mass naman. Nang matapos na ang misa at maglabasang na ang lahat.. hindi ko na siya nakita, ang  dati-ratiý sumasalubong sa mga tao at nag-aalok ng sampaguita. Wala, para siyang nag-vanish sa thin air. So, pagdating ng bahay ay sinabit ko na sa image ni Mama Mary ang mga mahalimuyak at mapuputing sampaguitang may ilang ilang.

Dumating ulit ang Linggo ay wala siya anywhere. Even sa pagkatapos ng second mass, wala. Bakit ba kaya? Pero, nitong following Sunday..ay kita ko na ulit ang libo-libong bulaklak na dala-dala ni Aling Sampaguita. At ng makita niya ako ay biglang  umaliwalas ang kanyang mukha , at inabutan niya muli ako ng ilang kwintas na sampaguita. "Salamat po!" ang sabi ko. Sa susunod ay may pambili na po ako.

Maaga raw syang nakauwi ng bahay...dahil madali raw na naubos iyung tinda niya. Nag day-off raw siya nung last Sunday..para makagawa ng maraming kuwintas na ibebenta ngayon. Naisip ko na totoo pala na kung ikaw ay nagkakaloob ng taos puso, na hindi umaasa ng kapalit.. ay magiging magaan ang pagdaloy ng pagpapala saiyo. Salamat kay Lord na dinulot nyang akoý maging taga-paghatid ng Kanyang pagpapala kay Aling Sampaquita vendor. Si Aling??? . Hiling ko rin ang lahat ng pagpapala sa inyong lahat.

Tuesday, July 12, 2016

Duterte Volunteer Mediamen: THEN AND NOW, ANG five-SIX NA UTANG

Duterte Volunteer Mediamen: THEN AND NOW, ANG five-SIX NA UTANG: AUTO CALESA Anim na taong gulang pa lang ako ng lumuwas kami ng Maynila at nanirahan sa Santa Ana. Dito na ako nag-kinder hanggang makat...

THEN AND NOW, ANG five-SIX NA UTANG

AUTO CALESA
Anim na taong gulang pa lang ako ng lumuwas kami ng Maynila at nanirahan sa Santa Ana. Dito na ako nag-kinder hanggang makatapos ng high school. Ang karaniwang mga sasakyan noon ay kalesa/karetela, jeep, at taxi. At yung singko mo ay makakabili na ng limang items na candy. Upong dyes pa noon ang pamasahe sa jeep(at libre naman yung nakakandong saiyo). At dahil sa maliit lang na sasakyan ay di hirap na abutin ng driver ang lahat ng passengers fare. Ang mga bagaheng heavy/ mabibigat tulad ng aparador,  na hindi kakasya sa jeep, ay doon na sa kalesa isinasakay. At because, hindi pa kasi uso noon ang pampers na pang horse..at para masahod at di kumalat sa kalye yung fresh fertilizers, ay may sako/tela ang naka-abang sa hulihan nito. Yon lang po ang alam ko na disadvantage ng mga  kabayo sa kalsada; pero masarap po ang journey at para kang nasa duyan.lalo na at pupunta ka ng Luneta. Kung medyo feeling mo naman ay mucho dinero/madatung, ay tumawag lang sa sikat at bigating "Golden Taxi" -ang taxi na puro Mercedes Benz ang gamit nilang sasakyan. Saan ka pa? si Cheding taxi mo lang, mayroon ba nyan dito ngayon? Wala!!




KALESA
Noon ko rin naririnig yung laging pinananakot sa mga batang makukulit, "Pasok na kayo't kukunin kayo ng Bombay!", "Oh tigil na ang iyak, nandiyan na yung Bombay!" Nakikita ko sila noon na slowly, naglalakad sa harap ng bahay-bahay, mag-aalok ng payong na pahuhulugan.(pero Batanggenio ata yung nagpa-uso ng kulambo't kumot) Ano ba at sa hindi kinalaunan ay naka-bisekleta na ang momo, Naks!, hanggang sa magka-motorsiklo at ngayon at naka-shades with helmet. may mga others pa na naka-kotse na. Noon ay ilan-ilan lang sila, na may telang puti na nakapulupot sa ulo/turban, ang may balbas saradong mukha na matatalim na pang-masid, ang damit nilang Pajama,na tila ba kagigising lang; ang sapatos nilang patulis ang dulo na sa pilikula ko lang nakikita ngayon. How they multiplied, sa palengke at bayan-bayan at very successful ang kanilang pahulugan business, di ko alam noon na nag-papautang na pala sila ng perang patubuan..na sinisingil araw-araw . Marami na silang parokyano..magmula sa mga nanay at tatay hanggang sa tindero/tindera para may pampuhunan. Mayroon pang mangungutang upang may ipambayad sa kanilang over due na utang at lalo pa tuloy nalulubog sa ilalim ng IOU. Dapat po ba natin silang kaawaan? Masisisi mo ba sila sa kanilang sinapit??

ANG PUJ NGAYON
Ngayon ay wala kang nakikitang Cheding na taxi, kabayo't kalesa, at wala na rin ang punggok na jeepney na binansagang AutoCalesa. Ito ay napalitan na ng naglalakihang PUJ, mga bus na pang-Tourista, Toyota at iba pang taxi na gawang Japan. Pero, bakit naririto pa rin ang mga Bombay hanggang ngayon? Dahil sa kanilang maunlad na negosyong pahulugan? Na higit na kilala ngayon sa modernong FiveSix? Ang nakaka-addict na five6 na laging kailangang ng nakararaming naghihirap na Pilipino.

Isang tindera ng gulay na lagi kong nakaka-tsismis ang nag-sabi sa akin, "Kuya, pautang naman ng puhunan." Sabi ko na pasensiya nat hindi ako nag-papautang at sabay turo doon sa Indiano. "Ayon doon ka na lang manghiram sa maraming pera!" sabi ko sa kanya. Malungkot ang mukha na nag-wikang ayaw na siyang pautangin, dahil pauuwiin daw sila sa India pag nahuli ng bagong Presidente. Ilang usorero na kaya ang huminto na't natakot na mapauwi? Ilan naman ang gumagawa pa rin nito ng palihim? Ito kayaý magiging katulad na rin ng Huweteng na nababayaan ??

Wednesday, June 29, 2016

Duterte Volunteer Mediamen: Simpleng Pamumuhay - My Simple Life!

Duterte Volunteer Mediamen: Simpleng Pamumuhay - My Simple Life!: Sa gitna ng palayan ako lumaki at nagkaisip. na sa di kalayuan ay may munting ilog na aming paliguan at labahan sa araw-araw. Minsan ay napa...

Simpleng Pamumuhay - My Simple Life!

Sa gitna ng palayan ako lumaki at nagkaisip. na sa di kalayuan ay may munting ilog na aming paliguan at labahan sa araw-araw. Minsan ay napagkukunan din namin ng isdang pang-ulam. Mga sariwang gulay na mapipitas mo sa iyong daraanan. Ang aming tahanan na isang munting kubo ay napapaligiran ng mga punong mangga  na may nakaka-hilong samyo pag namulaklak (dahil sa subrang bango) at may ilang orkedyas na nakabitin sa bintana.  Huni ng ibon ang maririnig mo maghapon. Gasera ang pang-ilaw namin sa gabi. Sa labas ay kaaya-ayang masdan ang sanlibong alitaptap na animoý naglalaro sa hangin upang pagliwanagin ang paligid. Madalas ay maagang nakakatulog ang lahat sa saliw ng awit ng mga kuliglig. Bago sumikat ang araw ay maririnig mo na ang wis-wis ng walis ni Nanay. Ang splash ng tubig sa balon sa pag-igib ni Tatay upang punuin ang banga sa kusina. Ang kwentuhan ng mga alagang manok..at panggigising ni Tandang sa mga natutulog pa. Dala ang sundang ay nagtungo naman ako sa tabing ilog para manguha ng bakawan at mga tuyong sanga na maaring panggatong. Iba't-ibang kulay na tutubing kalabaw ang naghahabulan sa paligid, may dilaw, ginto, berde, asul ang mamamasdan habang daan.  Pabalik ay makikita ko ang puting usok mula sa sinigaan ni Nanay para sa pamumulaklak ni mangga. At ngayoý oras na ng almusal ko, ang "SINGTULOG( fried rice, tuyo, at itlog). Kape na native mula sa tinutong na bigas, ang panulak. At ako ay naligo at nagbihis, at gumayak na upang pumunta ng paaralan. Nakita ko naman sa aking paglalakad ang bahay na aking kina-iinggitan. Ang bahay ng aking kaklase 't kaibigan na gawa sa hollow blocks, na  kumikinang na yero ang bubong, na simentado pa ang lapag. Hindi iyon maalis sa aking isipan, na darating din ang araw na magkakabahay  ako na katulad na katulad ng sa kanila. Matibay at di kayang gibain ng anumang bagyo. Hindi  katulad ng sa amin na kailangan mo pang laging itali ang apat na sulok nito sa malalaking puno, ng di liparin ng malakas na hangin. Na lagi ring nagpuputik ang paligid sa tuwing uulan. Ikinahihiya ko ang bahay naming dampa. Ayaw ko ang bahay naming ito. Gusto ko iyong gawa sa semento at yero..

 Pagdating ko sa eskwelahan, ay nakita t nilapitan ko si klasmayt. Matagal pa naman ang bell..kaya, nag-usap  na lang kami at nasabi  ko na hangang-hanga ako sa bahay nila, na gusto kong magkaroon rin ng tulad ng sa kanila. Natawa  si klasmayt, parehas lang daw kami ng naiisip, may kaibahan nga lang dahil inamin niya na  mas nais pa nga raw nya ang matira sa bahay ng tulad ng sa aming dampa. Nakita niya ang panlalaki ng  mata ko at ang bahid ng  pagtataka sa aking mukha. Kaya, inisa-isa nya ipaliwanag sa akin ang di nya gusto sa bahay nila  - magigising ka na lang bigla sa malakas na ingay ng taktak ng ulan na mula  sa bubong nilang yero, gaano pa kaya sa tuwing may bagyo? Napakainit din ang loob ng bahay sa buong araw at gabi, nagiging malamig na lang ito tuwing madaling araw. Kailangan mong magpaandar ang maraming electric fan, para maging malamig dito, lalo pa pag summer. Ito pa  rin ang dahil kung bakit tinatamad akong bumangon sa umaga, kasi madaling araw na akong nakakatulog. Malakas kami sa paggamit ng kuryente.at palaging  malaki  ang binabayaran ng Daddy ko. Sinemento ang paligid na bakuran kaya.puro halamang namumulaklak na nasa paso ang nilagay lang sa  harap ng  bahay. Wala kaming naitatanim na sariwang gulay ng tulad sa inyo. May shower nga kami, pero sa palagay koý mas enjoy maligo na swimming pool ninyo sa.ilog. "Hahaha!,"..nagtawanan na lang kami..At pahabol nya pa na  balak nilang bumisita sa aming kubo  at mag pipiknik na rin sa tabing ilog. Pagkatapos niyon  ay narinig na ang kalembang at patakbo kaming sumali sa pila dahil mag-sisimula na ang Flag Ceremony. .

Masaya akong naglalakad pauwi, dahil sa may nabago na sa aking pananaw na bukas. Na sa aking paglaki, ay ipagagawa ko ang isang malaking bahay kubo. Kailangan ang may matibay na foundation at may sementadong poste, plywood at kawayan ang dingding, yerong bubong na papatungan ng anahaw at nipa sa ibabaw para hindi umingay. Ang balon ay ma-lalagyan ko na ng poso. Modernong gamit sa kusina at naroon pa rin ang banga na mapagkukunan namin ng malamig na tubig...Doon pa rin itatayo ang bahay sa gitna ng bukid na malapit sa ilog. Matagal pa ngunit ito ang aking paghahandaan..dahil alam ko na kung papaano ang tutoong simpleng pamumuhay na may dagdag na kaunting modernong buhay. .Ngayon ay handa na akong harapin ang aking kinabukasan sa tulong at aral ng isang matipid at simpleng pamumuhay, ito rin kaya ang dahilan kung bakit may mga bahay kubo sa harap ng bakuran ng mga mayayaman? Dahil dito ay madali nilang maalala ang isang simple, happy, at importanteng bahagi sa buhay nila, noong sila ay musmos pa??

Saturday, June 25, 2016

KAILAN MAGBABALIK ANG MANILA INT'L AIRPORT ?

Pagkagising ay nagbukas agad ako ng Facebook. May nag-post ng katanungan na kung dapat bang ibalik natin sa dati  niyang pangalan ang ating National Airport? Napansin ko na marami ang naghahayag ng kung ano-ano  ang nasa utak nila, at patuloy pa rin itong nadaragdagan ng dami. Habang akoý nagsusulat(nag-tatype po)..ay biglang sumagi tuloy sa isip ko ang isang katanungang lagi kong naririnig  noon sa radio, yun bang,  "What's in a Name?" Ano ang mayroon sa isang Pangalan/ano yun?  Ano nga ba ang mayroon dito?  Ang  katanungan na ngayon lang natin susubukang sagutin..

Isang mag-asawa na malaon ng atat sa pag-labas ng kanilang baby at nasisiguro kong matagal na ring naghahanap/nag-reresearch sa net kung ano ang kanilang ipapangalan paglabas nito sa earth. Ang iba aý sa Kalendaryo nakamasid..at ang nakakarami ay isinusunod sa tatay o sa lolo; kaya may mga junior, the first, the second, at the third. at kung anu-ano pang combination.  Ano ba at minsan ay may iba pa ring sumasablay sa mga paraang ito..nagiging masasakitin nga lang ang bata at inaabot pa nga sa fifty-fifty(50/50) ang ratings. Sa dahilang di raw nagustuhan ng sanggol ang ipinangalan sa kanya. Sabi, ng matatanda ay palitan ang name nung kid. Pero,hindi ito basta na lamang gagawin na hindi nagdaraan sa isang elaborate ceremony. Ewan ko po kung mayroon pa ring gumagawa nito sa lugar ninyo, ngunit  marami po akong nakilala na gumaling talaga at nanumbalik ang lakas nung mapalitan ang  pangalan. At para po sa kaalaman ng iba sa atin, ang mga kabataang di lang curious. ay usyosero pa, lalo na sa usapan ng matatanda. Dahil di na nila inabutan.  Ganito po ang ginagawa ...ibibenta nila yung musmus sa halagang singko sentimos(pretend lang po ito/kunyari lang), ang bibili/magbabayad ay magsisilbing ninong na nung paslit. Then, ito po ang pinaka-exiting..huwag kukurap! ang actual trading/exchange,. at transaction ng goods(baby) ay sa bintana siya idadaan. Tapos na!, changed na ang name nya na kung dati ay "Bruha" ngayoý tatawagin na syang "Bruhilda"(example lang po). Marami pang variation nito sa ibat-ibang lugar ng Pilipinas. Na sabi;y ginagamitan naman ng egg.. pero sobra na, pasensiya na po at masyado ng mahaba ang kuwento ko.  kayo na lang ang mag-hanap sa web..."Puwede po?"

Ngayon, tungkol ulit sa ating Panbansang Paliparan..ang Manila International Airport(MIA) na bigla na lang pinalitan ang pangalan na di man lang nagtanong o humingi ng pahintulot sa mga taong bayan. Ang sarap sanang pakinggan yung,"Payag ba kayo, mga Bosseng ko?"  Wala! Nagising na lang tayo na iba ang name nya at dito na nagsimula ang pagiging matamlay ng dating malusog at masiglang batang si "MIA". Kilala na siya ngayon sa alias "NAIA" na sakitin at malamya, dahil nagka-alaga sya ng maraming worms at parasites sa  kanyang stomach..smelly!..kinatatakutan.!.pinandidirihan!.,at binansagan ng "THE WORST! Isinara nya ang pintuang papasukan ng lahat ng luck, binuksan ang pintuan ng kamalasan at kahihiyan. Kung ang sakiting si"NAIA" ay makikilalang muli sa totoo nyang pangalang "MIA" - siguradong ang kinakalawang na pintuan ng swerte ay magbubukas muli at magbabalik ang dati nyang lusog at sigla. At ngayoý matatawag na syang "THE WORLDS BEST!"


EL PROFESSOR SI?
Spanish review natin, ang salitang "NADA" na naririnig ko na binibigkas ay katunog ay "NAIA", na ang ibig sabihin or meaning ay negatibong "WALA/ZERO/BOKYA/BUTA" sa Pilipino/Tagalog. At sa Pakistani(URDU) o INDIANO/ HINDI" ang salitang "NEHIYE" na kaparehong tunog ng "NAIA" ay negatibo ring "BOKYA/ZERO/WALA"  ang kahulugan....
How about yung "MIA", nakalimutan mo ata?   Hay!, hindi po, I just saved the BEST for last. Ang "MIA" sa Espanyol pag isalin sa English ay "MY/MINE", na sa tagalog ay "AKIN/AKIN ITO". Masasabi ng ating paliparan na kung makapagsasalita lang sya, "MIA ANG TAWAG SA AKIN - AT SA AKIN ANG PANGALANG ITO!" Hala sigi, Alisin na ang kadena at kandadong  bumilanggo sa aking tunay na pangalan. Ano pa ba ang hinihintay ninyo. Bakit ayaw pa ninyong kumilos? Nakakakita na ang mga nabubulagan.maliwanag na ang daraanan natin. Ipamalita na sa lahat!

 Sa bagong pamahalaan sa pamumuno ng Pangulong Duterte, nais po ng bayang Pilipino ang sanaý maging "MANILA INTERNATIONAL AIRPORT" na ang itawag sa ating Pambansang Paliparan.kasabay sa inyong pag-upo, at upang tuloy-tuloy na maging maluwag  ang pagdaloy ng  isang maaliwalas at wagas na
pagbabago at may masuwerteng simula. Sana po ay huwag namang malimutan ang hiling naming ito. Nang sa gayon aymasayang  maisigaw ng buong bayan ang,"MABUHAY ANG PILIPINAS!" "MABUHAY ANG ATING PANGULO!" "MABUHAY TAYONG LAHAT!".....GO! GO! GO

Tanong po natin sa kinauukulan..KAILAN PO MAGBABALIK SI MIA??

Thursday, June 23, 2016

Mask Dance - My first video using a BB phone..What Happened?

LESS 20% O LIBRE PARA SA MGA OLDIES.?.

Kaming mahihilig noong sumayaw sa kabaret, sa disco club, sa Videoke, at ngayon ay sa Ballroom na lang at sumasabay sa pagkendeng at pagpadyak ng Dance Instructor, while yung iba naman ay  nakapalibot sa lamesa at may  barahang hawak.(pekwa/tonghits?). Yung mga sosyal siyempre ay doon  live concert ng Mahjong table o kayaý  naghihimas sa mga tandang ni San Pedro. Iba ay simple lang na nagsusunog baga o nagpapakalunod sa kwatro por kwatro diyan  sa corner kasama ni Miguel at Empie.  So,huwag tayong KJ at hayaan na lang natin silang mag-enjoy ng mapalis ang inip at pagkabagot..Ano po?

Kahit na malalakas pa kaming mga super lola at lolo ngayon ay dumarating din ang oras na nagrereklamo ang aming katawan na humihingi ng kaunting needed na pahinga. Masakit na ang likod, balakang, kasu-kasuan  at kalamnan, tataas ang presyon ng dugo, at hinihingal na... etsetera etsetera.at  kung anu-ano pa. Maiisip mo ngayon at  masasabi  sa sarili  ang "My spirit is willing but the body is weak". Kaya ko iyan dati..bakit ngayon hindi na?  So, punta ka now sa Hospital/Ospital for general check-up. Discounted ang bill mo dahil sa Senior ka na nga. Reresitahan ka ngayon ng sangkaterbang gamot.. ""No problem,"" you say dahil may pambili ka pa ng kilo-kilong gamot para gumaling at lumakas ulit si Kuya. Kailangang mag-maintenance ka na ngayon.. na dapat laklakin mo araw-araw. Aba huwag matigas ang ulo..Or else baka lalong lumala at bigla kang ma-stoke tulad ko. So scared ka na po?  Bawal ang papalya-palya. Punta ka ngayon sa Drug Store. At dito na naman mag-uumpisa ang parang sirang plakang ceremony ng mga Senior C. Ready ka na?...ilabas ang sc I.D.,ang mga reseta ni Dok, Purchase Booklet, .reading glasses,.pen at pati na rin yung pera siyempre. Then, wala pang five minutes and a few seconds, nandiyan na yung medicine. Bayaran mo na. .Bawas na ng 20 % sa total yung bill mo. Permahan mo na yung resibo para tapos na. Buwan-buwan ay ganito ang magiging eksena..at dagdag pa natin(do not forget) ang bago at freshly written, prescription ni Dok. naiiwan na kasi yun sa drugstore at di na ibinabalik. At dahil sa maliit na pensiyon ka lang kumukuha ng pambili ng iyong maintenance...mababawasan na ang treat sa fastfood joints at ang iyong shopping spree. Lungkot po.


Magandang Balita!! May nasagap akong tsismis mula sa mga kasama nating S.C. na nagbibigay daw ng libreng gamot ang Municipal Clinic. At dahil nga sa kinulang ang allowance na pambili ng lolo, ay dali-dali kong pinuntahan at sinubukan. Magbayad ka ng sampung peso para sa folder na file mo sa kanila. Binigay ko yung reseta na ikinabit doon sa file ko. Then, after a few Q and A ay bibigyan ka na ng thirty days supply mo. .then, pag naubos na yun..balik ka na lang ulit for another. Note lang po na based sa availability ay makukuha nyong lahat ng kailangan  mo, kung wala ay wala.   Maraming maraming salamat sa Dept.Of Health at sa Santo Tomas Municipality dito po sa La Union.

Sa mga Senior Citizen, na nais makakuha nag libreng medicine para sa inyong maintenance..ask po tayo sa clinic ng bayan ninyo..ipaalam nyo rin sa iba, upang marami pa ang makinabang. Lalo na yung walang radio. So, next time na lang at inaantok na ang Baby. 

Tuesday, June 21, 2016

BAGONG SSS I.D., KAILAN DARATING?

SCENE SA LA UNION...

SSS AGOO BRANCH

Dahil sa mag-aapat na buwan na at nainip na ako sa pag-aantay sa pagdating nung I.D.,  Kaya alas siyete pa lang bumyahe na sa Post Office ng Sto Tomas.

Sagot sa tanong ko sa kartero. Wala pa raw silang natatanggap mula SSS.  Bakit ang bagal?  Buwan ng Pebrero ng mag-submit ako ng application at ang sabi sa akin ay mag-antay lang daw ng tatlong buwan at matatanggap ko na yun, at may dagdag pa na kung sakaling wala pa rin ay sa Post Office na mag-check.

 At dahil nga atat na atat na rin akong malaman ang dahilan kung bakit natatagalan ay nagtuloy na lang ako sa opisina ng SSS,  for follow-up. Sa third floor ng bagong building sa Agoo, along National H-way ninyo matatangpuan ang bago nilang opisina. Bongga  po ito dahil may elevator pa (puro salamin ang loob), malaking ginhawa sa tulad naming mahina na ang tuhod. Pero, ang daming di nakakaalam ng tamang asal sa pagsakay ng elevator. Paalala ko lang po sa mga nakakalimot dahil sa sobrang excitement. Pabayaan po ninyo na makalabas muna yung  pasahero sa loob. Huwag mag-unahan sa pag-pasok dito na parang sumasalubong sa sikat na artista.. Inuulit ko po, na para maging smooth ang flow ng traffic, "palabasin nyo muna kami, mahina po ang kalaban!" . Buti na lang malakas yung lamig ng airconditioner at madaling napababa ang init ng ulo ko. Okay, pumasok na ang bida sa may pintuan, na magalang naman siyang binati nung jaguar at nung receptionist...tinanong ang pakay at binigyan ako card na may number. Mabuti rin at kukunti lang ang tao noon..ilang minuto lang at ako na ang kinakausap. Doon ko rin nalaman ang rason/alibi/dahilan nila sa pagka-antala ng mga I.Ds. Yung mga nag-apply nga raw nung December at January ay di pa rin na-rerelease..dahil aayusin at pagagandahin daw nila ang design na mas maganda kaysa dati ..so, kaya humingi raw ng one month/30 day extension yung gumagawa. Natawa na lang ako sa at nasabing, "Uso rin pala dito yan,..akala koý sa COMELEC lang!"

Kaya po kayong mga taga-SSS..sikapin po ninyong makisabay sa pag-babago, na bilisan ang serbisyo upang di kayo matanong ni Pangulong Duterte.   Ano po kaya ang maisasagot nyo.??

                                                       TO BE CONTINUED        

Thursday, June 16, 2016

Discount for Seniors...

Discount dito, discount doon, kahit saan may discount ka nga ba?  Dapat naman po, dahil noong kabataan namiý katulong kami sa pag-papaandar ng pambansang ekonomiya at sa pagbuo ng maunlad na Pilipinas.
Na ngayon ay tinatamasa na ng bagong henerasyon at kabataan. At bilang ganti sa aming mga oldies na naghirap noon ay ang  mabawasan man lang kahit kaunti ang aming gagastusin sa  mga pangangailangan araw-araw, Salamat din at may libreng serbisyo pa nga sa ilang ahensiya ng pamahalaan.

Pero, ang ilan sa mga  tindahan, mga sasakyan ay madamot sa amin, di nakauunawa..lalo na sa may mga kapansanan. Maraming kunwari ay bulag na driver na nilalampasan ang pobreng pasaherong matanda...hindi  hihintuan ang may tungkod/saklay. Wala ring nagkukusang bigyan ka ng iyong mauupuan..pababayaan kang nanginginig sa pagkakatayo. Mararanasan din nila ito pag oldie na sila. Sa pagbili ng gamot ay enjoy ka sa 20% na bawas.Pero kailangan kang magpagawa ng reseta sa Doktor buwan-buwan..wish ko na dagdagan pa nila., Sa sinihan ay may kaltas din..na sana gawing libre na lang? Marami sa amin ay malabo na ang mata...mahina na ang pandinig, malambot na ang tuhod.. wala na ring ngipin para malasap ang sarap sa  mga fastfood joint, Sa supermarket, grab your  trolley and mag-start ka ng mamili ng groceries/goods..may dedicated check out counter pa  para sa  mga oldies at pwd..masaya ka dahil sa disco
unted ang mga pinamili mo.Iyan ang akala ko. Ask sila ng I.D saka yung purchase booklet ..then you pay without complaint. Nagulat pa ako na makita na isang item lang sa binili ko ang may kaltas/ two pesos lang ang na discount sa five hundred pesos na total goods purchased. Ang daming steps/seremonyas  ang ginawa, wala rin palang mapapala. Kaya't sa palengke na lang  ulit ako mamili..makakatawad na may libreng tsismis at balita pa.

Marami sa amin ay umaasa sa maliit naming pension at wala na ring iba pang pinagkakakitaan. Mahina na kami at hindi naman kami magtatagal pa.  So, why can't they make it all discounted just for us? Pag nangyari yan siguradong magiging tunay na masaya kaming mga seniors, Akin pong dasal na sana ay makarating sa kinauukulan ang aming karaingan. Amen.

Wednesday, June 15, 2016

 iAmPilipino.com

Media. Ito ang pinaka epektibong paraan upang maipahayag ang ating mga nasasaksihan sa ating paligid.

Kung mapapansin po ninyo, ang media sa ngayon ay isang nababayarang institusyon. Matatandaan natin na sinabi ni President Duterte na maraming journalist na corrupt at nababayaran kaya naman ang mga taga supporter ni President Duterte ay nagkaisa upang maging kaniyang media. Opo, bawa’t isa sa ating mga Pilipino ay maaaring maging indibidwal na mamamahayag na hindi maaaring suhulan o bayaran ng sinoman.

Ika nga noon ni President Duterte nung nangangampanya siya, “hindi ko kayang tapatan ang mga makinarya ng aking mga katunggali, but you (the whole supporters) will be my machinery.” At napatunayan nating mga Pinoy na talagang hindi kayang buwagin ng sinoman ang nagkakaisang diwa at may kusang pagkilos. Ganun din ngayon, pwede tayong maging media o volunteer reporter ni Pres. Digong para maipahayag ang tunay at makatotohanang pangyayari at yan po ang tatalakayin sa bandang ibaba nitong post.

In Philippine history, ngayon lamang natin nabalitaan na itong katatapos na 2016 Presidential elections ang pinaka malaking impact ng mga botante sa Pilipinas. Almost 16 million voters ang lumahok para lamang i-landslide ang pagkapanalo ng isang probinsyano at hindi maimpluwensyang tao, nandyan yung may mag-aalok ng libreng patatak ng t-shirt at kung ano ano pa para lamang makaambag sa kampanya. Ito ang resulta ng mahabang panahon na ang mga tao na mismo ang nagkakaisa dahil sa bulok at mabagal na sistema ng mga nagdaang administrasyon sa Pilipinas.

16 million voters na hindi nila nagawang dayain dahil halata siguro kapag ginawa nila ito. Kaya naman sa pag upo ng ating mahal na pangulo ngayon bilang ikalabing anim na Pangulo ng Pilipinas, sinabi niya sa isang press sa Davao sa mga taga commercial media na ang gawain ng mga ito ay hanapan ng masamang side (o pasamain) ang pangulo.

Bakit ko sinabing commercial media ang mga ito? Dahil hindi naman magtatrabaho ang mga reporter na iyan kung wala silang sahod o sweldo, they do their job because of salary. Sige, subukan mong alukin ang mga iyan ng libreng serbisyo at walang sahod, magtatrabaho ba ang mga iyan sa iyo? Of course not. That is why, I called them COMMERCIAL MEDIAMEN.

How about the NON-Commercial Media? Well, these are the people who work individually or VOLUNTARILY (sarili nating pera ang ginagamit natin para makatulong sa kapwa at sa mga dapat matulungan and not the money of other people)for one purpose. Nandyan na ang social media at lahat ng maaari mong sabihin para lumabas ang katotohanan ay maaari mo kaagad maipaabot sa mas nakakarami. Hindi tulad noong kapanahunan ng dating Pangulong Marcos na pinatalsik sa kaniyang posisyon at pagkatapos ay siniraan ng kung ano-anong balita. Yung pumunta sa Edsa, ilan ba yung mga taong nag rally doon? 1 milyon? 2 milyon o 3 milyon? Naantig ang mga Pilipino noon na sumama sa iilang nagwelga dahil sa sulsol ng T.V. at radyo dahil ito lang ang tanging mapagkukunan mo ng balita at kung wala kang pang bayad sa mga istasyon, hindi maririnig ang iyong panig. At yan ang masakit na katotohan.



Join Duterte Volunteer Media





Ito ang pagbabago ngayon, dahil hindi mo na kailangan ng T.V. o radyo para lang mabalitaan mo ang mga katotohanan na nangyayari sa ating kapaligiran, nandyan na ang social media at internet. Kahit wala kang sapat na salapi, maaari mo ng sabihin ang mga bagay na nakita mong mali at tiwali. Isang halimbawa na dito si Maine Mendoza, imagine, hindi naman siya dumaan sa mga prestihiyosong pageant at iba pang popular na programa sa mga T.V. pero napansin siya dahil sa social media at mas maraming naka appreciate nito.

Ito rin ang nais mangyari ng ating mga kababayan na gustong makapaglingkod ng serbisyong totoo at walang hinihinging kapalit.

Ngayon siguro, nagtatanong ka po sa sarili mo kung paano ka magiging isang volunteer media? Dapat po, may account ka sa Facebook at Twitter, marami kasi sa mga ito ang pwede mong maging access ng direkta sa audience mo at ang pinakamahalaga ay iyong Blog.

Ano po ba ang Blog? Ito ay isang uri ng diary o journal kung saan maaari mong ikwento ang iyong mga karanasan at ibalita ang mga mahahalagang nangyayari o mga nasasaksihan mo sa iyong paligid. Para din po itong Facebook ang kaibahan lamang nito, mas kontrolado mo ang iyong blog, di tulad sa Facebook na maaari nilang ibanned o tanggalin ang account mo kung kailan nila gusto (ito yung masakit lalo na kung libre dahil wala kang habol kapag tinanggal nila ang account mo sa Facebook), di tulad sa blog (may bayad pero mas nakakasigurado ka) na maaari mong palitan ang kulay at disensyo ng mga ito.

Teka, paano gumawa ng blog? Madali lang po bumuo ng isang blog, at pwede kang gumawa ng libre o may bayad. Nasabi ko na kanina na kung libre, syempre, wala kang kontrol at pwedeng kunin ito sayo, hindi tulad ng may bayad mas marami kang magiging option at di ito basta basta makukuha sa iyo.

Sino ba ang may karapatan gumawa ng blog? Syempre lahat tayo, maging Pinoy o anumang uri ka ng tao, bastat may internet connection ka sa bahay pwede ka ng makagawa ng isang blog at maiparating ang saloobin mo sa buong mundo. May pinag aralan ka man o wala, pwede kang gumawa ng blog.
Gusto mo bang sumali para maging volunteer media ni President Duterte?

Fill up the form below para maturuan kita kung paano gumawa ng isang blog at makasama sa layunin nating bumuo ng isang patas na mga Online Journalist.




Join Duterte Volunteer Media